Monday, June 1, 2020

Halina't kumanta at sumayaw!




Sa Yahweh by Gary Valenciano [Live from ARISE 3.0 2014]

Naalala ko bigla ang kantang Sa Yahweh ni Gary Valenciano. Itinugtog ko ito
at pinakinggan namin ng mga bata. Natuwa naman sila. Sino nga ba ang hindi
mapapasayaw sa galaw ni "Mr. Pure Energy"?

Ngayong Hunyo, adhika kong linangin namin ang aming kakayahang magsalita
ng Filipino. Ngunit gusto kong ibahin ang pamamaraan ng aming pag-aral nito.

Ayoko nang ituro ang Filipino bilang isang asignatura lamang. Hindi
binibigyang hustisya ang karangyaan ng Kulturang Filipino.

Nais kong gumamit ng mas organikong pamamaraan. Tiyak na kinakailangan
pa naming dagdagan ang aming pakikinig, pagsasalita, pagbabasa
at pagsusulat ng Filipino. Pero susubukan naming gawin itong lahat
sa isang mas masaya at mas makabuluhang pamamaraan.

Kayo, anong kantang OPM ang nagpapangiti sa inyo? Ipamahagi niyo ito
sa inyong mga anak! Halina't kumanta at sumayaw!